Bagong Red Cross building, pinasinayaan sa San Carlos City Pangasinan

Bagong Red Cross building, pinasinayaan sa San Carlos City Pangasinan

PINASINAYAAN kaninang umaga ang bagong building na itinayo sa lungsod ng San Carlos Pangasinan.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ni San Carlos City Mayor Julier C. Resuello at Senator Richard Gordon at ilang mga opisyal kasama ang iba’t ibang sektor.

Ayon kay Mayor Resuello napakalaking tulong para sa mga residente ng kanilang lungsod ang itinayong building.

Aniya, marami sa mga residente ay pumupunta pa sa ibang bayan at lungsod para makahanap ng dugo at ang iba naman aniya ay walang kakayahan na makabili ng dugo.

Dahil dito ay mas mapalalakas pa nila ang pagbibigay ng serbisyo sa taong bayan.

Ang nabanggit na Red Cross building ay magsisilbing blood bank upang hindi na mahirapan ang mga taga San Carlos sa suplay ng dugo.

Malaki ang pasasalamat ng buong pamunuan ng LGU San Carlos sa lahat ng mga tumulong upang maipatayo ang naturang gusali.

Follow SMNI NEWS in Twitter