Kampo ni Ka Leody, pinaputukan ng baril habang nagsasagawa ng protest action sa Bukidnon

Kampo ni Ka Leody, pinaputukan ng baril habang nagsasagawa ng protest action sa Bukidnon

UMALINGANGAW ang sunod-sunod na putok ng baril habang nagsasagawa ng protest action ang kampo ni Presidential candidate Ka Leody De Guzman sa Brgy. Butong, Quezon sa Bukidnon.

Sa Twitter post, sinabi ni De Guzman na ligtas siya at ang senatorial bets na sina David D’angelo at Roy Cabonegro.

Ayon kay Ka Leody, nasugatan sa insidente si Nanie Abela,  organizer ng mga magsasaka sa Mindanao at lider ng tribong Manobo-Pulangiyon.

Sa ngayon ay patungong ospital ang kampo ni De Guzman.

Nakatakda sanang makipagpulong si De Guzman sa Manobo-Pulangiyon leader upang talakayin ang land-grabbing issues na kinahaharap ng mga indigenous group.

Follow SMNI News on Twitter