TAHASANG sinabi ni Aksyon Demokratiko standard-bearer Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ‘bilib na bilib sa sarili’ si Vice President Leni Robredo.
Kasabay ito sa hamon ni Isko Moreno kay Robredo at kanyang grupo na tanggihan ang kanyang sinabi na sila ang unang humiling na mag-withraw na ang ibang presidential candidates.
Sinabi rin ni Domagoso sa kampo ni Robredo na binu-bully siya ng mga dilaw at hindi siya nirerespeto ng mga ito dahil naniniwala ang mga dilaw na sila ay mas magaling kaysa sa iba.
Tinanong pa nito ang kampo ng bise presidente kung sila lang ba ang may karapatang tumakbo, at kung sila lang ba ang may karapatang maging kandidato sa pagkapangulo?
Hinamon din ni Isko si former Senator Bam Aquino na campaign manager ni VP Leni na i-deny ang kanyang pahayag.
Ani Isko, hindi ito tungkol sa pagka-babae ni Robredo kundi sa pag-uugali nito.