Mala-eroplanong tren na proyekto ng PNR na proudly Pinoy ang konsepto at disenyo, ipinasilip sa SMNI

Mala-eroplanong tren na proyekto ng PNR na proudly Pinoy ang konsepto at disenyo, ipinasilip sa SMNI

PINASILIP ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) sa SMNI News ang mala-eroplanong tren ng PNR South Long Haul Project  na proudly Pinoy ang konsepto at disenyo.

Sa isang eksklusibong panayam ng SMNI News, ibinida ng PNR ang recent developments ng PNR South Long Haul Project.

Kabilang na rito ang mala-eroplanong interior design ng mga tren.

Ayon kay Atty. Celeste Lauta, Asst. General Manager ng PNR, nahahati ang isang train set sa tatlong service classes.

Nariyan ang Business Class na kayang mag-accommodate ng 36 na pasahero, first class na may 50 upuan at second class na nasa 80 pasahero ang maisasakay.

Ayon pa kay Atty. Lauta, maipagmamalaki din ang disenyo at konsepto ng nasabing tren dahil hango ito sa mga kilalang sagisag ng Pilipinas kabilang na ang Philippine Eagle at ang mga kulay ng watawat ng bansa.

Tampok din sa loob ng mga tren ang iba’t ibang pasilidad upang mas komportable ang mahigit tatlong oras na pagbabiyahe ng biyahero mula Metro Manila patungong Bicol.

Maliban sa maayos at mabilis na pagbiyahe, ma-i-enjoy din ng commuters ang mga magagandang tanawin habang bumabiyahe gaya na lamang ng Mt. Mayon at ibang tourist spots na magiging accessible sa mga bibiyahe.

Dagdag pa ni Atty. Lauta, hindi inutang at sariling government funds ang ginamit para sa pagbili ng mga tren.

Kaya nagpapasalamat ang PNR kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi niya pinabayaan ang naturang linya ng tren na mas pinaganda at mas pinaayos pa ang serbisyo nito sa mga biyahero.

Agosto 2023 inaasahang darating ang tatlong train sets mula sa China.

Maaari naman itong masakyan ng mga biyahero mula Metro Manila patungong Bicol pagsapit ng Pasko sa 2023.

Follow SMNI News on Twitter