NAKATAKDANG mag-courtesy call si International Boxing Organization (IBO) World Champion Dave “Dobermann” Apolinario kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong hapon.
Ito ay kasunod ng pagkakapanalo ng Pinoy boxer kamakailan laban kay Gideon Buthelezi via knock out sa East London, South Africa kaya nakuha nito ang titulo, bilang bagong IBO World Champion.
Si Apolinario ay may record na 17 wins, zero lost na kung saan, 12 dito ay pawang knockouts.
Bukod sa courtesy call ni Apolinario, pangungunahan din ng Pangulo ang panunumpa ng mga bagong talagang opisyal sa Malacañang ngayong hapon.