Iniwang pinsala sa imprastraktura ng magnitude 7 na lindol sa Abra, patuloy na nadaragdagan

Iniwang pinsala sa imprastraktura ng magnitude 7 na lindol sa Abra, patuloy na nadaragdagan

PUMALO na sa mahigit 1.26 bilyong piso ang halaga ng iniwang pinsala sa imprastraktura ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra noong nakaraang linggo.

Sa 8am situational report, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naitala ito sa Ilocos Region, Cagayan Region, at Cordillera Administrative Region.

Umabot na rin sa P19.5 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Cordillera habang mahigit 22.7 milyon na ang pinsala ng lindol sa irrigation facilities.

Ayon sa NDRRMC, iniulat ng National Irrigation Administration (NIA) ang P18.2 milyong halaga ng pinsala sa Ilocos Region at P4.5 milyon sa Cordillera.

Samantala, nananatili sa 10 ang bilang ng mga nasawi dahil sa lindol habang umakyat na sa 410 ang mga nasugatan.

Follow SMNI NEWS in Twitter