LTO, ipinag-utos na ihinto muna ang implementasyon ng No-Contact Apprehension Policy

LTO, ipinag-utos na ihinto muna ang implementasyon ng No-Contact Apprehension Policy

IPINAG-UTOS ng Land Transportation Office (LTO) na isuspinde na muna ng mga local government unit ang kanilang No-Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz III, kasunod ito sa desisyon nilang pagsasaayos sa panuntunan dahil marami sa mga public utility vehicle drivers at private vehicle owners ang nagrereklamo.

Batay sa mga reklamo, walang adjustment sa mga multa kahit hindi gaanong mabigat ang naging paglabag, at kawalan ng stoplight countdown timers kung kaya’t mahirap na masunod ang NCAP.

Ang ilan sa mga nagpatutupad ng NCAP ay ang Maynila, Parañaque, Quezon City, San Juan at Valenzuela at maging ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Edsa.

 

Follow SMNI News on Twitter