‘Libreng Sakay’ ng LRT-2 para sa mga estudyante, magsisimula sa Agosto 22

‘Libreng Sakay’ ng LRT-2 para sa mga estudyante, magsisimula sa Agosto 22

TULOY na tuloy na ang ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2 para sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng face-to-face classes ngayong Agosto.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera, na magsisimula ang ‘Libreng Sakay’ simula sa Agosto 22-Nobyembre 5, 2022.

Para ma-avail ang libreng LRT-2 ticket, kailangan lamang iprisenta ng mga mag-aaral ang school ID o proof of enrollment sa passenger assistance sa mga istasyon.

Sinabi ni Cabrera na ang Libreng Sakay program para sa mga estudyante ay base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Follow SMNI NEWS in Twitter