Mobility project na layong mapaganda ang commuting experience ng PWDs sa LRT-2, inilunsad

Mobility project na layong mapaganda ang commuting experience ng PWDs sa LRT-2, inilunsad

INILUNSAD ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang ‘WheelAssist’ na isang mobility project na naglalayong mapaganda ang commuting experience ng mga persons with disabilities (PWDs) sa LRT-2.

Ito ay bilang pakikiisa ng LRTA sa pagdiriwang ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na nagsimula noong July 17 at tatagal hanggang July 23.

Ayon sa LRTA, nakapaloob sa proyekto ang pagsasagawa ng ‘non-apparent disability training with basic sign language’ para sa mga customer-facing personnel ng LRT-2 at ang paglalagay ng braille signages sa mga ticket vending machine.

Sinabi ng LRTA na patuloy ang kanilang pagsisikap para makapagbigay ng ligtas, accessible at komportableng biyahe para sa mga may kapansanan.

Follow SMNI News on Twitter