Dredging activity sa Marikina City, malaking tulong kontra baha – Mayor Teodoro

Dredging activity sa Marikina City, malaking tulong kontra baha – Mayor Teodoro

MALAKI ang tulong na dulot ng dredging activity na ginawa sa Marikina River.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro sa panayam ng SMNI News, mula kahapon hanggang ngayon, zero flooding ang noo’y lubos na binabahang lungsod.

Ibinahagi naman ni Teodoro na regular nilang isinasagawa ang dredging activity sa Marikina River, mapa-meron man o walang ulan.

Ipinanawagan lang ngayon ni Teodoro sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin na agad ang pumping stations na kanilang ginagawa.

Sa pamamagitan ng pumping stations ay mapipigilan ang mga gilid ng ilog na gumuho tuwing tag-ulan.

Maliban pa dito ay hinihikayat din ni Teodoro ang reforestation lalong-lalo na sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Ayon sa mayor, kapansin-pansin na marami sa Masungi Georeserve ang mga maliliit na kahoy at naniniwala siyang ito ang isa sa dahilan kung bakit binabaha rin nang husto ang Marikina.

Follow SMNI NEWS in Twitter