MILF, tutulong upang mahanap mga miyembro ng BIFF na nasa likod ng pagpaslang sa mga pulis ng Maguindanao

MILF, tutulong upang mahanap mga miyembro ng BIFF na nasa likod ng pagpaslang sa mga pulis ng Maguindanao

INIHAYAG ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) chief minister Ahod “Murad” Ebrahim na tutulong ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang mahanap ang mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nasa likod ng pamamaslang sa dalawang police officers sa Maguindanao.

Ang central committee ay pinangunahan ni Ebrahim, na una nang lumagda ng peace pacts sa government ang 2012 Framework Agreement sa Bangsamoro at ang 2014 Comprehensive Agreement on Bangsamoro.

Samantala ang peace agreements ay nagbigay daan para sa pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law, na naging charter ng BARMM at nag-umpisa noong taong 2019.

Samantala, ang BIFF ay ang breakaway faction ng MILF na nag-ooperate sa Maguindanao.

Base sa imbestigasyon, mga kaalyado nang sana’y aarestuhin na suspek ang BIFF na nag-ambush sa dalawang police officer na sina Lt. Reynaldo Samson, hepe ng Ampatuan Police at ang aide driver nito na si Corporal Salihudin Endab.

Follow SMNI NEWS in Twitter