Senado, magsasagawa ng imbestigasyon ukol sa ‘personalized’ text scam

Senado, magsasagawa ng imbestigasyon ukol sa ‘personalized’ text scam

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senate Committee on Public Services kaugnay sa kumakalat na “personalized” text scam o ang pagrehistro ng mga SIM card bago ang activation.

Kasabay nito, isusulong din sa Senado ang Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Bill.

Inihayag ni Sen. Grace Poe, chairman ng komite na isasagawa ang imbestigasyon kasama ang Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship ngayong darating na Miyerkules.

Dagdag pa ni Poe, ito ay upang masolusyonan ang bagong klase sa text scam.

Kulang din aniya sa batas ang bansa kaya nakakapanloko ang mga scammers, hackers, at phishers.

Sa ngayon, sinabi ni Poe na nagiging makabago na rin ang pamamaraan ng mga text scammer kung saan naglalaman na ito ng mga pangalan at cellphone number.

Naniniwala rin si Poe na ito ang magiging sagot sa problema para sa ligtas na paggamit ng cellphone sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter