NAGHARAP sa unang pagkakataon sina Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Boy Evangelista.
Kasunod ito ng imbitasyon ng PNP sa VACC para ipaliwanag ang katayuan ng PNP laban sa mga kriminal sa bansa.
Nauna nang sinabi ni Gen. Azurin na walang mamamatay na kriminal kundi bibigyan sila ng second chance para magbagong buhay.
Pero ayon sa VACC, mali ito at hindi katanggap-tanggap lalo na sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa mga kriminal na ito.
Sa huli nagkasundo ang dalawa sa direksiyon ng plano ng PNP sa laban nito kontra kriminalidad kung saan ipinangako ng PNP ang istriktong pagpatutupad ng rule of law.