Philippine Army, nakasamsam ng armas at pampasabog sa Sorsogon

Philippine Army, nakasamsam ng armas at pampasabog sa Sorsogon

NADAGDAGAN na naman ang bilang ng mga narerekober na mga armas ng Spear Troopers at Philippine National Police (PNP) mula sa Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Bulala, Magallanes, Sorsogon, alas-5 ng umaga kahapon lamang.

Ayon kay Lt. Col. Nelson B. Mico, commanding officer ng 22nd Infantry Battalion (22IB), ilang mga residente ang nagpaabot ng sumbong sa kanilang tropa at mga pulis tungkol sa mga nakatagong armas sa isang koprahan.

Agad na tinungo ng tropa ng 22IB at mga pulis ang nasabing lugar at doon tumambad sa kanila ang tatlong M16 rifle, isang KG9, tatlong anti-personnel mines, mga bala, at iba pang mga kagamitang pang-propaganda.

Ayon sa mga nagsumbong, nabalitaan nila ang nangyaring pagbibigay ng impormasyon ng mga residente sa Barangay Calmayon sa Juban ng nakaraang mga araw, kaya nagkaroon din sila ng lakas ng loob upang ituro ang mga nakatagong armas ng CTG.

Naniniwala si BGen. Aldwine Almase, commander ng 903rd Infantry Brigade, na dahil sa galit ng mga tao sa karahasang ginagawa ng CTG, kaya mas naging aktibo ang mga ito sa pakikipag-ugnayan sa awtoridad sa mga pinagtataguan ng mga teroristang grupo maging sa mga itinatago nitong mga armas.

Follow SMNI NEWS in Twitter