WALA umanong balak si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na kumbinsihin ang mga kritiko ng pulisya na pumanig sa kanila.
Una nang hiniling ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na magbitiw sa pwesto si Azurin kasunod ng mga naiuulat na krimen sa bansa.
Ayon kay Azurin, mananaig ang batas at karapatang-pantao sa kanyang pamumuno.
Hindi aniya hahayaan ng kanyang liderato na maakusahan ang mga pulis na pinalalabas na nanlaban ang mga kriminal kaya napatay.
Iginiit pa ni Azurin, patuloy na sinisikap ng pulisya na hindi na humantong sa engkwentro ang pag-aresto sa mga kriminal.