Masaganang ani sa Iwahig Prison, malaking tulong para sa food security ng mga inmates

Masaganang ani sa Iwahig Prison, malaking tulong para sa food security ng mga inmates

BILANG karagdagang mapagkukunan ng masustansyang pagkain para sa persons deprived of liberty (PDLs), ang Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) ay umani ng iba’t ibang gulay tulad ng upo, pechay, at okra sa vegetable garden ng IPPF Work and Livelihood Section na matatagpuan sa Central Sub-Colony, IPPF.

Ang mga inani na gulay ay magsisilbing pandagdag na mapagkukunan ng mga masusustansya na pagkain para sa mga PDL.

Bukod dito, ang vegetable garden ay nagsisilbi ring income-generating project ng IPPF at bahagi ng “Plant, Plant, Plant” campaign ni CSupt. Joel R. Calvelo, acting superintendent ng IPPF.

Dagdag pa ni Calvelo ang pagtatanim at pag-aani ng gulay ay bahagi ng reformation activities ng IPPF na naglalayong tulungan ang food security sa loob ng piitan.

Follow SMNI NEWS in Twitter