Mga watawat ng Kabataan, Gabriela at ACT Teachers partylist, sinunog ng mga dating rebelde

Mga watawat ng Kabataan, Gabriela at ACT Teachers partylist, sinunog ng mga dating rebelde

KASUNOD ng pagsuko ng sampung dating miyembro ng Bagong Hukbong Bayan, kanila ring pinagsusunog ang mga watawat ng mga organisasyong kanilang pinanggalingan at sinuportahan.

Isa-isang inilapit sa apoy ang mga flag ng Kabataan Party-list, Gabriela at ACT-Teachers Party-list bilang opisyal na pagkondena, pagtuligsa at paglisan sa mga organisasyong nagpahirap sa kanila at naglagay sa bitag ng alanganin sa kanilang buhay.

Pinangunahan naman ni NCRPO regional director PBGen. Jonnel Estomo ang oath of allegiance o panunumpa na nagsasabing itinatakwil na nila ang CPP-NPA-NDF.

Ang sampung former rebels ay hardcore na miyembro ng Bagong Hukbong Bayan na nag ooperate sa Bicol Region.

Samantala personal namang hinimok ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA-NCR) regional director Dennis Godfrey Gammad ang mga residente ng Brgy. Payatas, Quezon City na huwag nang iboto ang mga party-list ng CPP-NPA-NDF.

Ani Gammad, na huwag nang iboto at suportahan ang mga organisasyon at party-list ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Gammad, hindi na dapat na makabalik pa sa pamahalaan ang mga komunistang kilusan na ito dahil sa mga pang aabuso na ginawa nito sa bansa.

Kung kaya’t sa susunod na eleksiyon anila, dapat tuluyan nang hindi manalo ang CPP-NPA organizations at party-list upang hindi na makakuha ng pondo sa kanilang mga aktibidad sa bansa.

Naniniwala si Gammad na hindi na malaki ang sakop ngayon ng NPA sa tulong na rin aniya ng matalinong pakikipagtulungan ng mamamayan para huwag suportahan ang mga propaganda ng mga makakaliwang grupo.

Follow SMNI NEWS in Twitter