PERSONAL na nakiramay ang Kamara sa British Government sa pagpanaw kamakailan ni Queen Elizabeth II.
Pinangunahan ito ni House Speaker Martin Romualdez at personal na inabot ang Resolution No. 12 bilang mensahe ng pagdamay ng Kamara sa pagpanaw ng Reyna.
Saad ng Kamara, naging inspirasyon si Queen Elizabeth sa iba’t ibang henerasyon ng public servants sa buong mundo kaya pinapaabot ng Kamara ang kanilang paghanga rito.
‘A gentle, yet solid rock of stability who exhibited grace and decency in performing her duty in times of crisis; and a reassuring presence throughout decades of sweeping change,’ saad sa House Resolution ng Kamara.
Nauna nang nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at ang first family sa pagpanaw ng longest-serving British Monarch ngayong buwan.
‘It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening,’ saad ng Pangulo sa kanyang Facebook post.