Mga batang paulit-ulit na nare-rescue sa kalsada, pinag-aaralang kunin na ng pamahalaan –DSWD

Mga batang paulit-ulit na nare-rescue sa kalsada, pinag-aaralang kunin na ng pamahalaan –DSWD

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) na kunin na ng pamahalaan ang pangangalaga sa mga batang paulit-ulit nang nare-rescue sa kalsada dahil sa pamamalimos.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sec. Erwin Tulfo na nagiging cycle na lamang ng mga batang ito ang paulit-ulit na nare-rescue dahil sa panglilimos sa lansangan.

Kung saan, sila ay babawiin ng mga magulang ngunit sa susunod na araw ay muling babalik sa kalsada.

Dahil dito, kokonsulta ang kalihim sa mga legal experts upang isulong ang pagkuha ng pangangalaga sa mga bata na tatlong beses nang mari-rescue ng mga local government unit (LGUs).

Aniya, sa oras maisakatuparan ito, bibigyan ng DSWD ng maayos na kinabukasan ang mga bata.

 

 

Follow SMNI News on Twitter