NAGTUNGO ngayong araw sa Sitio Camachile, Floridablanca, Pampanga ang Department of Health (DOH), Philippine Medical Association, at Pampanga Medical Society para bakunahan ang mga indigenous people doon.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon sa DOH, higit 60 na katutubo ang nabakunahan kontra COVID-19 at higit 10 naman ang nabakunahan para sa routine immunization.
Pangako ng DOH na walang maiiwan sa laban ng bansa kontra COVID-19 kahit ang mga nasa disadvantaged areas.
Maliban naman sa vaccination at immunization ay nagbigay rin ang mga ito ng water sanitation and hygiene training at orientation ukol sa dengue prevention para sa mga katutubo.