NAKATAKDANG tumungo sa Manila ang rising K-pop boy band na Enhypen ayon sa isang cosmetics brand na iniendorso ng grupo.
Sa Twitter post, a-attend ang latest brand ambassadors nito ng isang “fun meet” sa Araneta Coliseum sa Quezon City sa Disyembre 3 para sa ika-10 anibersaryo ng kompanya.
Sa ngayon ay hindi pa kumpleto ang detalye tungkol sa pagdalo ng Enhypen sa bansa ngunit sinabi nitong manatiling updated sa kanilang mga social media page.
Ang grupong Enhypen ay binubuo nila Jungwon, Heesung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo, at Niki ay nabuo noong 2020 sa survival program na “I-Land.”
Sila rin ang nasa likod ng mga hit music na “Drunk and Dazed”, “Fever”, at marami pang iba.