150 bagong recruit na pulis, nanumpa sa Camp Crame

150 bagong recruit na pulis, nanumpa sa Camp Crame

NANUMPA ang 150 bagong recruit na pulis sa Camp Crame ngayong araw.

Pinangunahan ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia ang oath-taking ceremony.

Ipapadala ang mga bagong pulis sa Police Community Affairs and Development Group (PCADG).

Pawang may mga background sa education at communication ang mga bagong pulis.

Tututukan nila ang social media at ang pagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa iba’t ibang kampanya ng pulisya.

Gayundin ang pagbabantay sa mga naiuulat na krimen sa cyberspace.

Follow SMNI NEWS in Twitter