Fake news dapat nang tuldukan –Sen. Go

Fake news dapat nang tuldukan –Sen. Go

NANINIWALA si Senador Christopher “Bong” Go na dapat nang tuldukan ang pagkalat ng fake news matapos na lumabas sa Pulse Asia survey sa 9 sa 10 Filipino ang naniniwala na problema ang fake news sa bansa.

Iginiit ni Go na ipinaiiral sa bansa ang demokrasya sa paglalahad ng mga nais na ihayag, subalit dapat ito ay totoo at hindi fake news.

Aniya sa halip na makatulong sa isang solusyon sa problema ng bansa mas lalo lamang itong magdudulot ng kaguluhan o pangamba ng mamamayan.

Sa ipinatutupad na demokrasya, iginiit ni Sen. Go dapat tama at totoo lamang ang ipinahahayag o ipinakakalat at hindi ang mga maling balita para lamang manira ng kapwa o institusyon.

Kaya napapanahon na aniya na tuldukan na ang pagpapakalat ng fake news.

Follow SMNI NEWS in Twitter