Heart Evangelista, pinag-aaralang maging ‘independent’ sa kanyang buhay sa Paris

Heart Evangelista, pinag-aaralang maging ‘independent’ sa kanyang buhay sa Paris

IBINAHAGI ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ang sulyap ng kanyang buhay sa Paris kung saan sinabi nitong pinag-aaralan niyang maging independent sa pamamagitan ng paglalakad mag-isa sa ‘City of Love’ sa kabila ng kanyang nararanasang anxiety.

Ayon kay Heart, para sa mga nakakakilala sa kanya, nakararanas ito ng anxiety kapag nag-iisa lamang siya ngunit aniya, minsan ay kailangan niyang matuto kung paano mag-isa at maging independent.

Kasalukuyang nasa extended stay si Heart sa Paris para sa engagement nito sa iba’t ibang luxury brands.

Nilinaw naman ni Heart na hindi ito titira sa Paris at ang kanyang pagdalaw sa pet store ay paraan lamang niya upang mapalibutan ang kanyang sarili ng mga pets na nakakapag-paalis ng kanyang anxiety.

Follow SMNI NEWS in Twitter