Flight at ground operations sa NAIA, pansamantalang sinuspinde dahil sa Lightning Red Alert

Flight at ground operations sa NAIA, pansamantalang sinuspinde dahil sa Lightning Red Alert

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang flight at ground operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito’y dahil sa Lightning Advisory na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas dose’y media ng tanghali.

Inilalabas ang ganitong abiso sa NAIA kapag nakararanas ng pagkulog at kidlat sa paliparan at upang maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente na maglalagay na rin sa panganib sa mga tauhan, pasahero at maging sa mga flight operation.

 

Follow SMNI News on Twitter