PINANGUNAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang ika-121 founding anniversary ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw, Oktubre 19
Ginanap ang okasyon sa Pier 15, Port Area sa lungsod ng Maynila.
Ginawaran ng Arrival Honors si Pangulong Marcos at nagbigay din ng kanyang mensahe ang chief executive.
Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang presentation of awards sa notable Coast Guard personnels, units, at auxiliary members na tumulong sa organisasyon na maisakatuparan ang misyon.
Nagkaroon din ng tour on board ang pangulo sa BRP Gabriela Silang (OPV – 8301), ang ikatlo sa pinakamalaki at modern vessel ng PCG.
Kasama ni PBBM sa naturang event sina Transportation Sec. Jaime Bautista, Special Assistant to the President Anton Lagdameo, Senator Francis Tolentino, National Security Adviser Clarita Carlos, PCG commandant Admiral Artemio Abu, at iba pang mga opisyal ng Coast Guard.