NANAWAGAN ang EcoWaste Coalition sa publiko na bibisita sa Manila North Cemetery na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa paggunita ng Undas.
Nagtipun-tipon ang grupo dala ang mga karatula at placards na may sulat na ‘sementeryo irespeto huwag magkalat dito!’ at ang libingan ay hindi tambakan.
Ayon sa grupo, tone-toneladang basura ang nahakot ng Manila North Cemetery na naiwan ng mga dumadalaw sa sementeryo noong nakaraang Undas.
Anila, maging responsable ang bawat isa sa kanilang mga basura, kung maaari ay magdala ng kanilang sariling lagayan ng kanilang mga basura at itapon sa tamang lugar.
Panawagan pa ng grupo panatilihin ang kalinisan hindi lang sa MNC kundi maging lahat ng sementeryo sa bansa.