PUMALO ngayong taon sa pinakamataas na antas ang bilang ng mga iligal na tumatawid sa Amerika na nagmumula sa Latin at South America ayon sa U.S. Customs and Border Protection.
Ang mga opisyal sa U.S.-Mexico border ay nagproseso ng mahigit kalahating milyong tao mula sa Cuba, Venezuela at Nicaragua ngayong piskal na taon, na humaharap ngayon ng malaking hamon sa administrasyong Biden.
Sinabi ng mga opisyal sa U.S. border na mayroong 220,908 na mga Cubans, 187,716 sa mga Venezuelan at 163,876 na mga Nicaraguan ang kanilang prinoseso, at karamihan sa kanila ay pinahihintulutang humingi ng asylum.
Ito ang pinakamataas na antas na naitala na bilang ng mga iligal na pagtawid sa US para sa isang taon ng pananalapi o fiscal year. Ang mga migrante mula sa Guatemala, Honduras at El Salvador naman ay umabot ng 541,618.
Ang taunang kabuuan ay mahigit sa 2 milyon sa unang pagkakataon noong Agosto at dalawang beses na mas mataas sa panahon ng pagkapangulo ni Donald Trump noong 2019.
Dahil sa mahigpit na relasyong diplomatiko, hindi maaaring paalisin ng U.S. ang mga migrante mula sa Venezuela, Cuba o Nicaragua.
Bilang resulta, karamihan sa kanila ay hinahayaan sa Estados Unidos upang ituloy ang kanilang mga kaso sa imigrasyon.
Ang pangkalahatang iligal na mga pagpasok sa border na kinabibilangan ng mga migrante na iligal na pumasok sa U.S., ay mas mataas noong unang bahagi ng 2000s, simula nang ang Border Patrol ay may mas kaunting mga resources at manpower upang mahuli ang mga tumatawid sa border.
Ang mga bilang sa pagtatapos ng taon ay sumasalamin sa lumalalang kalagayang pang-ekonomiya at pampulitika sa iilang bansa at hindi pantay na pagpapatupad ng mga paghihigpit sa asylum sa panahon ni Trump.