6th ID patuloy na nakikiisa sa disaster response sa mga nsasalanta ng bagyo sa Mindanao

6th ID patuloy na nakikiisa sa disaster response sa mga nsasalanta ng bagyo sa Mindanao

KASALUKUYANG nakikibahagi ang mga tauhan ng 6th Infantry Kampilan Battalion Division at iba pang tauhan ng 549 Engineer Battalion sa pagtulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Brgy. Kusiong Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Pinangunahan din ng grupo ang search and retrieval operations sa Brgy. Kusiong para tiyakin na may maisalba pang mga buhay sa naganap na landslide sa lugar.

Batay sa datos ng Western Mindanao Command, umakyat na sa 60 ang bilang ng mga nasawi mula sa nasabing bagyo, 40 ang injured at 23 naman ang nawawala.

Follow SMNI NEWS in Twitter