Spanish football star sinaksak sa supermarket sa Italy

Spanish football star sinaksak sa supermarket sa Italy

NAGTAMO ng saksak sa likod ang Spanish football player ng Monza na si Pablo Mari kasama ang lima pang tao sa isang shopping centre sa Milan, ayon sa Carabinieri Police ng Italy.

Agad na inoperahan naman si Pablo ng mga surgeons sa Milan’s Niguarda Hospital dahil sa sugat nito sa likod.

Sa ngayon ay nakauwi na si Pablo sa kanilang bahay ngunit inaasahan ito ng mahigit 2 buwan na complete rest upang pagalingin ang natamong sugat.

Kaya naman nagbigay-pugay ang mga kasamahan nitong manlalaro na arsenal sa kanyang paggaling sa pamamagitan pag-alay ng kanilang 5-0 panalo laban sa Nottingham Forest.

Follow SMNI NEWS in Twitter