Pilipinas, itinanghal na 4th Runner Up; Dominican Republic waging Mister International 2022

Pilipinas, itinanghal na 4th Runner Up; Dominican Republic waging Mister International 2022

NANALO bilang Fourth Runner-Up ang Philippine bet na si MJ Ordillano sa pagtatanghal ng ika-14 edisyon ng Mister International 2022 sa New Frontier Theater sa Araneta City sa Quezon City noong Oktubre 30.

Hinirang naman bilang Mister International si Manuel Franco kung saan dinaig niya ang 34 iba pang kalahok mula sa iba’t ibang bansa upang maging unang kinatawan ng Dominican Republic na nakasungkit sa titulo.

Itinanghal ang patimpalak ngayong taon 3 taon mula nang isagawa ang ika-13 na paligsahan, ang maituturing na edisyon nito para sa 2018, noong Pebrero 2019, dito rin sa Pilipinas.

Second Runner-Up si Mister International Venezuela Orangel Dirinot, habang nakuha ni Mister International Hong Kong ang Third Runner-Up placement.

Nanalo naman bilang Fourth Runner-Pp ang Philippine bet na si MJ Ordillano, samantala, si Mister International Spain Juan Pablo Colias ang nagwagi bilang Fifth Runner-Up.

Bukod sa titulo, nakuha rin ni Manuel ang Award for Best in Formal Wear.

Best in Swimwear naman si Mister International Spain Juan Pablo Colias, Mister Photogenic naman ang nakuha ni Surasak Muangkaew ng Thailand.

 

Follow SMNI News on Twitter