NAKIISA ang Office of the Press Secretary (OPS) sa “Plant for Life” tree-planting project ng Maynilad Water Services, Inc.
Layon ng proyekto na magtanim ng isang milyong puno sa Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan bago matapos ang taon.
Ang pakikilahok ng OPS sa tree-planting project ay bahagi ng pagtalima ng opisina sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay gaya na lamang ng pagbibigay-solusyon sa kakulangan sa suplay ng kuryente at tubig at bawasan ang pinsalang dala ng climate change.