Hindi na kailangang mag-angkat muli ng isda –Agri groups

Hindi na kailangang mag-angkat muli ng isda –Agri groups

HINDI na kailangang mag-angkat muli ng mga imported na isda dahil nanatiling stable ang suplay ng isda sa bansa sa gitna ng pananalasa ng Tropical Storm Paeng.

Ayon sa Taal Lake Aquaculture Alliance Inc. (TLAAI) at ng Philippine Tilapia Stakeholders Association, ang kamakailang bagyo na nag-landfall sa Pilipinas ay hindi nakahadlang sa kanilang produksyon at maaari pa rin nilang matustusan ang pangangailangan ng isda sa bansa.

Sinabi rin ni TLAAI Director Mario Balazon na sa kabila ng Tropical Storm Paeng na nakakaapekto sa maraming producer ng isda, hindi ito naging hadlang sa kanilang produksyon.

Samantala nagpahayag ng kumpiyansa si Balazon na ang Domestic Aquaculture Industry ay may kakayahang mag-supply ng isda sa mga Pilipinong mamimili.

Follow SMNI News on Twitter