Hidilyn Diaz, ibinandera ang pagpasa sa thesis defense ng kursong business management

Hidilyn Diaz, ibinandera ang pagpasa sa thesis defense ng kursong business management

TINATAPOS ngayon ni Weightlifting Champion Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang kurso niyang business management sa College of Saint Benilde (CSB).

Ayon kay Hidilyn, talagang inilaban niya ang pag-aaral niya sa college sa gitna ng kanyang super busy schedule.

At sa tulong ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya, nakakaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagte-training para sa susunod niyang laban bilang weightlifter.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Hidilyn na maraming tao aniya ang nagsabi na mahirap at hindi niya kakayanin ang thesis sa nasabing paaralan ngunit dahil alam niyang marami siyang matutunan dito ay pinush niya pa rin.

Sunud-sunod naman ang natanggap na pagbati ni Hidilyn mula sa kanyang social media followers kabilang na ang ilang showbiz personalities.

 

Follow SMNI News on Twitter