DOJ Sec. Remulla, tiniyak sa UNHRC na walang ‘culture of impunity’ sa Pilipinas

DOJ Sec. Remulla, tiniyak sa UNHRC na walang ‘culture of impunity’ sa Pilipinas

TINIYAK ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin C. Remulla sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na hindi kukunsintihin ng Pilipinas ang pagtanggi sa hustisya at mga paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Remulla, tatanggalin niya ang maling akala na mayroong ‘culture of impunity’ sa bansa at hindi niya ipagkakait ang katarungan o anumang paglabag sa karapatan ng tao.

Aniya kabilang sa mga konkretong aksyon na ginawa ng gobyerno sa pagsisikap nitong reporma ang sistema ng hustisya.

Samantala sinabi ni Remulla ang mensahe sa Geneva, Switzerland sa panahon ng Universal Periodic Review (UPR) ng Pilipinas na isinagawa ng UNHRC.

Follow SMNI NEWS in Twitter