Transformational reform ng hustisya para sa karapatang pantao, ihahain ni SOJ Remulla

Transformational reform ng hustisya para sa karapatang pantao, ihahain ni SOJ Remulla

ILALATAG sa human rights council sa Switzerland ang transformational reform ng hustisya para sa karapatang pantao ng bawat Filipino.

Ito ang pangunahing agenda o layunin na ihahain ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa tatlong araw na Fourth Cycle of the Universal Periodic Review of the Philippines ng United Nations Human Rights Council, sa Geneva, Switzerland.

Isang mekanismo ng peer-review United Nations Human Rights Council kung saan regular na pinag-aaralan ang pagsusulong at proteksiyon ng karapatang pantao sa lahat ng bansa.

Ibabahagi rin ang mga inisyatiba ng Department of Justice na komprehensibong reform program na tinawag na “real justice in real time.

Nakapaloob dito ang pamamaraan para mapaluwag ang mga piitan, mapatibay ang case build-up sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga prosecutor, mga imbestigador at Commission on Human Rights (CHR) at palakasin ang witness protection.

Ito na ang ika-4 na beses na lalahok ang Pilipinas sa UPR na gaganapin mula sa November 14-16, 2022 sa Geneva Switzerland.

Follow SMNI NEWS in Twitter