NTF-ELCAC, sagot sa problema sa patubig –Pastor Apollo C. Quiboloy

NTF-ELCAC, sagot sa problema sa patubig –Pastor Apollo C. Quiboloy

KAMAKAILAN ay nanawagan si Senador Robin Padilla sa Local Water Utilities Administration (LWUA) na mabigyan ng maayos na patubig o water system ang Marawi City.

Ani Robin Padilla, kailangan ng maayos na supply ng tubig upang makamit ang kapayapaan.

“Kung gusto po natin talaga na makamit ang kapayapaan, tubig lang po. I hope that by next year, we will see water in Marawi. That is my only request,” ayon kay Sen. Robin Padilla.

Kaugnay nito, mariin namang iminungkahi ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ang National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nakikita niyang solusyon hinggil dito.

Dahil ang NTF-ELCAC ay may proyektong patubig at kuryente sa mga liblib na lugar.

Kung matatandaan, isa ang Brgy. Tamayong sa Davao City sa idineklarang insurgency free at nakatanggap ng potable water system project mula sa NTF-ELCAC.

“Yung NTF-ELCAC po ay may proyektong patubig at kuryente para mabawasan ang insurgency sa lugar. NTF-ELCAC brings P20M potable water system project to remote Brgy. Tamayong in Davao City,” ani Pastor Apollo.

Kaugnay rito, muli namang nanawagan ang butihing Pastor na ibalik ang dating pondo ng nasabing ahensya.

Sa ngayon ay 10 billion pesos ang inilaang budget ng pamahalaan para sa NTF-ELCAC.

“Kung may NTF-ELCAC dyan, tapos ang problema. Kaya mga senador, ibalik niyo ang dating budget, bakit kayo ganyan,” dagdag ng butihing Pastor.

Samantala, sa ngayon ay isinasagawa na ng LWUA ang mga plano para sa pagtatayo ng bagong water treatment plant, reservoir at pipeline para sa maayos na sistema ng patubig.

Follow SMNI NEWS in Twitter