PUMALO na sa mahigit 24,000 drug personalities ang naaresto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, Jr., magpapatuloy ang mga drug raid at operasyon ng kapulisan at iba pang drug enforcement units sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.
Bukod pa ito sa pagbibigay pokus sa demand reduction at rehabilitasyon ng mga drug users.
Inaasahan aniya ng pamalaan ang suporta ng publiko at ng lahat ng sektor ng lipunan sa kampanyang ito sa pamamagitan ng pagreport ng mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar sa mga awtoridad.
Binigyang-diin ni Abalos na hindi lang dapat ang pulisya ang kumikilos kundi pati ang mga mamamayan sa kampanya laban sa droga.
Noong Sabado, sinabi ng DILG na halos 25,000 katao ang dumagsa sa Quezon City Memorial Circle para sa BIDA grand launching kung saan sila ay nagpahayag ng pledge of support para sa kampanya.