BINIGYANG-diin ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na hindi siya nagtatago hinggil sa Percy Lapid killing.
Isang malaking patunay dito ang personal niya na pagdalo sa pangalawang hearing hinggil sa isyu kahapon, Disyembre 5.
Aniya, wala namang rason upang magtago siya lalo pa kung walang warrant.
Samantala, inihirit ng kampo ni Bantag na alisin ang Department of Justice (DOJ) sa pangunguna ni Sec. Boying Remulla sa pagsasagawa ng preliminary investigation at sa Ombudsman o Sandiganbayan na lang dinggin ang kinakaharap nitong kaso.
Sagot naman ni Remulla, harapin lang ni Bantag ang kaso ay tapos na at wala rin aniyang kuwestiyon sa inhibition.