TARGET ng Bureau of Corrections (BuCor) na mapalaya nito ang aabot sa 500-700 na persons deprived of liberty (PDLs).
Nais nila itong mangyari bago matapos ang taon ayon kay BuCor OIC Gregorio Catapang Jr.
Aniya, hakbang ito para mai-decongest ang mga piitan sa bansa partikular na sa New Bilibid Prison.
Sa ngayon, bagamat ang documentation ng PDLs ang nagpapabagal ay sinabi nitong minamadali na nila ang proseso ng pagpapalaya.
Target din ni Catapang na ang mga matatanda na PDLs ay mapasama dito sa parole o executive clemency.