EXCITED na ang mga Pinoy sa Belgium na makita si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (PBBM) ng personal.
Disyembre 11, linggo ng gabi sa Belgium ay hindi makatulog ang mga Pinoy na sakop ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Excited kasi silang makita ng personal ang chairman ng KBL.
Ito’y si Pangulong Bongbong Marcos na tutungo ng Brussels para sa ASEAN-EU Commemorative Summit.
At sa unang araw ni PBBM dito sa Belgium, number 1 sa kanyang schedule ang meet and greet event sa mga kabayan sa Europe.
“We are trying to welcome him with this meet and greet. So pinaghandaan naming na we invite all over Europe from France, Belgium (this is Belgium) Spain, we have from Switzerland, Italy and some Poland also,” pahayag ni Marinela Dorate, coordinator ng KBL France.
Saad din ni Dorate, una nilang hinangad na sa araw ng Linggo ganapin ang meet and greet kay PBBM.
Subalit hindi ito nangyari kaya medyo bawas ang mga Pinoy na dadalo dahil maraming kabayan ang may trabaho tuwing Lunes.
“Marami po sila pero we are expecting more than thousand Filipinos OFW supposed to be kung nangyari siya ng Saturday or Sunday but since it will be done on Monday so we will be expecting lesser attendees,” ayon kay Dorate.
Para naman kay Daisy Empleyo ng Switzerland, kinalulugod nilang mabati ng personal si PBBM.
“Actually, ang mga Pilipino sa Switzerland hinihintay po si President BBM actually sa pagpunta niya. Hindi lang dito sa Brussel ang pupunta niya na sana buong Europa,” ayon naman kay Daisy Empleyo, coordinator ng KBL Switzerland.
Samantala, ang British Citizen na si Malcolm Conlan, excited na makita ng personal si Presidente Marcos, Jr.
At kahit hindi man siya Pinoy ay mahal na mahal niya ang Pilipinas kaya full support ito sa pamahalaan.
“It’s a very important event for me. You know I’m a big supporter of the government. I love the Philippines very much. I’ve been back on the Philippines more than 55 times over 3 decades. I have the honor of meeting the last 3 Presidents of the Philippines. As well as so many ambassadors,” pahayag ni Conlan.
Ngayon Pasko, hangad ng mga kabayan sa Europa ang tagumpay ng Marcos administration na mabigyan ng gabay at lakas ang Pangulo at ang administrasyon sa lahat ng hamon na darating.
“Mula sa Kilusang Bagong Lipunan Europe, maligayang Pasko at manigong Bagong Taon,” pagbati ng KBL Europe.
“And best wishes for our dear friends in SMNI and my personal greetings to Pastor Apollo Quiboloy and of course the SMNI family. Maraming salamat po, maligayang Pasko!” dagdag ni Conlan.