PBBM, dadalo sa ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium

PBBM, dadalo sa ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium

DADALO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium mula Disyembre 12 hanggang 14, 2022.

Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure briefing ng Pangulo.

Ayon kay Espiritu, magkakaroon ng ilang speaking engagements ang Pangulo sa kasagsagan ng Summit sa December 14.

Nakatakda rin aniya itong magbigay ng opening at closing remarks at dadalo rin sa press conference kasama ang ibang lider.

Inaasahang makikipagpulong naman ang Punong Ehekutibo sa malalaking korporasyon na nagnanais na palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas at makikipagkita sa Filipino community sa Disyembre 12.

Dagdag pa ni Espiritu, magkakaroon ng bilateral meeting ang Pangulo sa mga lider ng Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, The Netherlands, at European Union.

Follow SMNI News on Twitter