Neymar ng Brazil, “psychologically destroyed” sa pagka-eliminate ng bansa sa World Cup 2022

Neymar ng Brazil, “psychologically destroyed” sa pagka-eliminate ng bansa sa World Cup 2022

LUBOS na nasaktan ang sikat na footballer na si Neymar nang ma-eliminate mula sa 2022 World Cup ang bansang Brazil dahil sa ilang penalties.

Sa naging laro nila noong Biyernes, nanalo ang kalaban nitong Croatia sa iskor na 4-2.

Dahil dito, ayon kay Neymar, posibleng magtatagal pa bago siya maka-move on sa pagkatalo at sinabi pa ng footballer na “psychologically destroyed” ito sa sinapit ng Brazil.

Sa kabila nito, binati naman siya ni Pele, ang 82-years old former Brazilian footballer na tinaguriang “The Greatest” ng FIFA dahil sa nakuhang pantayan na ni Neymar sa kasalukuyan ang historic 77 goals nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter