Aiko Melendez, may paalala sa mga indibidwal na kilala ng publiko

Aiko Melendez, may paalala sa mga indibidwal na kilala ng publiko

IPINAALALA ng actress at politician na si Aiko Melendez sa mga indibidwal na kilala ng publiko na hindi pang habambuhay ang kasikatan ng isang tao.

Kasunod ito ng umano’y pang-iisnab ng sikat na volleyball player na si Deanna Wong at ng teammates niya na Choco Mucho Flying Titans sa ilang fans sa Boracay.

Ayon kay Aiko, ang nananatili nang matagal ay ang ugali ng isang tao lalo na kung ikaw ay isang artista, politician, athletes, influencers at iba pa.

Ang tip ni Aiko ngayon sa mga taong kilala ng maraming tao, kahit gaano pa kapagod ang nararamdaman, pagbigyan ang mga humihiling halimbawa magpa-picture o kahit ngumiti sa mga kumakaway.

Follow SMNI NEWS in Twitter