AASAHAN ng mga indibidwal na kumikita lang sa pamamagitan ng compensation ang mas mataas na take-home pay sa susunod na taon.
Ayon ito sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ang mga kumikita ng hanggang P250-K ay hindi pa rin kasali sa pagbabayad ng personal income tax habang ang mga kumikita ng P251-K hanggang P800-M ay aabot lang sa 15% hanggang 30% sa 2023.
Ang mga kumikita naman ng lagpas P800-M ay mayroong 35% na tax kung ikukumpara sa 32% nila ngayong taon.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, epektibo ang kautusang ito sa January 1, 2023.