NAKATAKDANG bumisita muli si U.S. Secretary of State Antony Blinken sa Beijing para makipag-usap sa mga senior Chinese officials.
Ang nasabing state visit ay aprubado mismo nina U.S. President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.
Layunin ng naturang state visit na ayusin ang bilateral ties ng dalawang bansa dahil sa nabuong tensiyon sa pagitan nito sa mga nagdaang buwan.
Ayon pa kay Coordinator for Indo-Pacific Affairs on the U.S National Security Council Kurt Campbell, hindi nila hahayaan na ang mga disagreements na namamagitan sa dalawang bansa ay maging sanhi ng division at conflict o new cold war.
Kaya naman inaasahan pa rin ni Campbell na magkakaroon ng series of visit si Blinken sa China sa mga susunod na buwan.