Abalos, tinawag na ‘fake news’ ang kumakalat na dokumentong nagsasabing target noon ng drug operation si Pres. Marcos Jr.

Abalos, tinawag na ‘fake news’ ang kumakalat na dokumentong nagsasabing target noon ng drug operation si Pres. Marcos Jr.

NASANAY na ang buong mundo na magpalabas ng prank o di kaya’y magbiro tuwing Abril 1 o mas kilala sa buong mundo bilang April Fool’s Day.

Pero ang political vlogger na si Maharlika, hindi mabiro kahit April Fool’s Day matapos magpalabas ng dalawang dokumentong nag-uugnay sa Presidente ng Pilipinas sa paggamit ng ilegal na droga.

May tatak na confidential at logo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga ito at ang target ng drug operation batay sa dokumento na may petsang March 11, 2012 ay si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Nauna nang itinanggi ng PDEA ang authenticity ng mga dokumento. At binalaan ang publiko dahil maaaring maka-kopya ng mga dokumento ng gobyerno gamit ang Artificial Intelligence.

Kung si Interior Secretary Benhur Abalos naman ang tatanungin, fake news ang laman ng mga dokumento.

‘‘Well ganito lang, huwag naman tayong maniniwala sa mga fake news no? No less than PDEA ang nagsabi na totoo ito. Kung minsan it’s so unfair eh. Alam mo, right now andaming lumalabas no,’’ pahayag ni Sec. Benhur Abalos, Department of Interior and Local Government.

Kahit nga aniya siya ay biktima ng fake news dahil minsan na rin siyang nadale ng identity theft.

‘‘Kaya nga ito lang sa amin sa cybercrime, ako mismo nag-demanda ako eh? Nag-demanda ako sa Pangasinan sa mga gumagamit ng pangalan ko, ng boses ko. It’s identity theft. Ang kaso pa nito ay hindi lang identity theft, no? Pati estafa pa andami niyang hiningan. So, ‘yun ‘yung mga sinasabi ko. Pag-ingatan po natin. Huwag po tayo basta-basta naniniwala,’’ ayon pa kay Sec. Abalos.

Samantala, may payo naman ang dating Press Secretary ni Marcos Jr. sa mga Pilipino sa drug issue na inuugnay sa Punong Ehekutibo.

Lalo pa’t karapatan ng publiko na malaman ang estado ng kalusugan ng isang presidente. At kung may kakayanan paba itong pamunuan ang bansa.

Cruz-Angeles sa mga Pilipino: Magtanong sa estado ng kalusugan ng Pangulo

‘‘Para sakin dito, the next step is to inquire into the state of health of the President. Kasi, if we are going to allege a crime and the crime is being committed now, that will require evidence. And the evidence that Madam Maharlika is pulling is evidence of previous drug use or a previous investigation or inquiry into drug use,’’ saad ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, Dating Press Secretary ni Marcos Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble