NAGSASAGAWA na ng random drug testing sa mga drayber at konduktor ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City, ngayong araw.
Ito ay upang masiguro na nasa wastong pag-iisip ang mga ito habang bumabiyahe pauwi sa probinsiya para sa Semana Santa.
Gayundin upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero na uuwi sa probinsiya.