Abot-kayang sariwang isda, magiging available sa Baguio Kadiwa stores

Abot-kayang sariwang isda, magiging available sa Baguio Kadiwa stores

MAGIGING available ang mga sariwang isda at iba pang seafood products sa Kadiwa stores sa Baguio sa Disyembre 8.

Ito ay ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan matatagpuan ang mga nasabing stalls sa mismong compound ng ahensiya.

Ayon sa BFAR Cordillera Administrative Region (CAR), magbubukas ang Kadiwa stores mula 9am – 4pm.

Sinabi ni BFAR-Cordillera aquaculturist Lois June Fermin, walang markup at iba pang dagdag-halaga ang nasabing mga produkto na kanilang ibebenta katuwang ang Department of Agriculture regional office.

“We do not have a markup to the prices passed on by the fisher folks from the source,” aniya.

Kabilang sa mga produktong ibebenta ang deboned bangus, tilapia, shrimps, squid, fresh o frozen galunggong, at iba pang fishery products.

Available din sa nasabing Kadiwa stores ang meat, fruits, at vegetables.

Ayon pa kay Fermin, layunin ng BFAR-Kadiwa ang hindi lamang makapagbigay ng murang halaga ng mga produkto kung hindi ay makatulong din sa mga mangingisda na maibenta ang kanilang mga produkto.

“The program does not just benefit the public who can buy commodities at lower prices but also the producers who can market their products at prices that gives them an income,” aniya pa.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Pagbabawal sa mga imported salmon at pompano sa mga palengke, binawi na ng BFAR

Suplay ng isda ngayong holiday season, sapat –BFAR

Mga nasabat na smuggled puting sibuyas, kinukonsidera na ibenta sa mga Kadiwa store –DA

DA, target na magkaroon ng regular ‘Kadiwa stores’ sa buong bansa

Follow SMNI News on Twitter