POSIBLENG mapagbibigyan ang ABS-CBN kung magpapakumbaba ito at susunod na sa batas.
Ito ang inihayag ni Sagip partylist Rep. Rodante Marcoleta sa panayam ng SMNI news.
‘’Kung ang assumption natin ay ah ang ABS-CBN ay magbabagong buhay sasabihin nya una sa gobyerno ako po ay …kami po ay nagkasala talaga aaminin napo namin na talagang hindi namin naibigay yong karampatang buwis na babayaran ng isang network na katulad namin gusto po namin ipakita namin sa inyo ang aming pagrereporma at kinuwenta naman namin lahat ang expenses namin sa taxation hundi napo namin uulitin yong pagbebenta namin ng depositary tax at igagalang na po namin ang tuntunin ng NTC lalong lalo napo yong prangkisa na binigay nyo po sa amin pahalagahan po namin iyon sa paraan na ito po gagawin naming libre para sa aming mga manunuod pacensya napo at palagay koy kami po ay nagkasala hihingi po sana kami ng pangalawang pagkakataon na maigawad niyo sa amin,’’ayon kay Marcoleta.
Binigyang diin ni Cong. Marcoleta na dapat sa ABS-CBN magmula ang pagbabago at susunod na sa batas upang mabibigyan sila ng isa pang pagkakataon.
Dagdag pa ni Marcoleta, hindi dapat mangako ang mga kandidato na ibalik ang ABS-CBN kung hindi naman magbabago ito.
Matatandaang, tumabkbo si Marcoleta bilang senador sa ilalim ng PDP-Laban.